MANILA, Philippines?Fans and colleagues in the show biz industry continue to flock the wake of the late action star Rudy Fernandez at the Heritage Park in Taguig City.
Since his death on Saturday, Rudy?s family and friends have said how they will remember him, how he meant in their lives, and the legacy he leaves behind.
The following are some statements aired on show biz talk shows over the weekend from the people Rudy has touched:
Lorna Tolentino: ?Alam ko na ako yung tao na nasa puso niya. Ako yung taong minahal niya na sinasabi niya na, ?Ikaw ang nasa puso ko? most of the time. At alam niya, sa puso niya na siguro maraming pagkakataon na may mga nangyayari sa buhay ng mag-asawa na nadadaanan kayo. Pero sa huli, sa huling sandali, alam namin pareho na talagang kami ang nasa puso ng isa?t isa.?
Renz Fernandez: ?Masakit sa puso. Siyempre mahirap. Mahirap tanggapin. Ito na ang oras na yon. Pero yun ang gusto ng Diyos eh so siguro kailangan naming tanggapin ito. Ngayon si Papa di na naghihirap. Kasama na niya ang Diyos.?
Ralph Fernandez: ?Yung pagkatao namin, malaking aspeto nun ay dahil sa kanya.?
Mark Anthony Fernandez: ?Hindi pa rin ako makapaniwala na totoo ito. Nangyari ba talaga ito? Parang sinabi ni Tito Bong, sana may sumigaw ng ?cut!? Parang sa pelikula na tapos na yon. Okay na si Daboy kasi naghihirap na siya. Ngayon alam namin somewhere better na lugar siya pero ngayon na di na namin kasama, hindi ko siya kasama, hindi ako makapaniwala. Kapag tinitignan ko yung kung saan siya nakahiga, alam ko na nangyayari yon. Pero parang di mag-sink in na?hindi pa ako naniniwala na bukas wala nang tatawag sa akin, hindi na kami magkikita.?
Alma Moreno: ?Bakit siya pa? Unang-una, mabait. Mabait na kaibigan, mabait na ama. Basta di ako makapaniwala, maalaga sa katawan, walang bisyo, yung inom, hindi. Parang nagulat akong hindi totoo ito.?
Merle Fernandez: ?Siya ang aming pride, joy and jewel. Maliit pa si Rudy super bait na?napakababa ang kalooban. Hindi mayabang. Mabuting tao siya.?
Sen. Jinggoy Estrada: ?Mahigit pa sa kapatid ang turingan namin ni Daboy. Mahal na mahal namin si Rudy kasi nung nakulong kami ng daddy ko sa Veterans, siya lang po ang kaibigan ko na dumalaw sa akin, araw-araw, gabi-gabi. Siya ang nagdadala ng pagkain. Hindi po ako iniwanan. Noong bumaba kami sa Malacañang, siya po ang lagi naming kasama. Siya po ang laging sumusuporta sa amin. Kaya hindi ko po makalimutan ang mga panahon na iyon.?
Sen. Bong Revilla: ?Makikita mo talaga yung pagmamahalan ng mag-asawa. Yung care sa bawa?t isa. Parang pelikula eh. At saka yung pagmamahal niya sa anak niya. Makikita mo every time na may dadalaw sa kanya, nandoon yung mga anak niya. Makikita mo teary eyed palagi. (Sabi ni Rudy,) ?Kung may magagawa lang akong bumangon dito, babangon ako.??
Former president Joseph Estrada: ?Maliit pa siyang bata, kilala ko na. Mabait siya. Hanggang naging artista, sumikat, very humble pa rin siya.?
Lolit Solis: ?(I will miss) yung pagiging thoughtful niya. Siya lang ang artista talaga na nakatanggap ako ng Valentine?s gift. For so many years, nakakatanggap ako sa kanya ng Valentine?s gift. Yung ibang artista, Pasko, birthday mo, tatanggap ka. Pero sa kanya ko lang naranasan na makatanggap ng Valentine?s gift.?
Albert Martinez: ?Palaging okay-okay lang yan eh. Very good memories as Daboy. Walang sad sa kanya eh. I believe he is much happier now where he is. We?ll pray for his soul.?