AS THE WIFE of a world-famous boxing champ, Jinkee Jamora-Pacquiao couldn?t avoid the spotlight. Constantly being in the public eye made her realize the importance of always looking her best.
Despite her husband Manny?s being against cosmetic surgery, Jinkee underwent SmartLipo after giving birth to her third child. After her fourth pregnancy, she lost the excess weight, without surgery, with Belo Diet Injections.
From 55 kilograms, the new endorser of Belo Medical Group now weighs 48 kg.
On the day of Lifestyle?s Playtime with her, she was wearing emerald-cut diamond earrings (5 carats each), a 3-carat ring and Rolex watch. She considers them ?an investment.?
The watch, Jinkee says, was a birthday gift and at the same time, a ?peace offering from Manny.?
With her winning figure and new-found fame, it?s no surprise that Jinkee has been showered with admiration and swamped with offers to join show biz like her husband and mother-in-law, Dionisia Pacquiao.
But she chooses to be wife and mother first. She takes care of the home, guides her growing children Jimwell, Michael, Princess, and Queen Elizabeth, and stands as pillar of support for Manny.
In this interview, Jinkee candidly talks about her dreams, life with Manny and their four kids.
Are you happy with the way you look now?
Happy na proud kasi dumadami ang endorsements. Ito talaga ang goal na gusto ko sa sarili ko: confident ka, ganyan mga damit mo.
Ano na bang weight mo ngayon?
Forty-eight, gusto ko mga 45-46. Kasi dati 55 kg talaga ako e.
Ano bang height mo?
5?1.
Naka-diet ka pa?
Oo, wala nang rice. Forever na yata ang rice na hindi pwedeng kainin. Fruits and vegetables lang. Puro ulam. Kahit ano naman kinakain ko, wala lang rice.
How does the Belo Diet Injection work?
Wala kang breakfast. Meron lang lunch and dinner na konting-konti.
How often the injection?
Everyday, for 24 days.
Saan ini-inject?
Sa butt.
How many pounds did you lose?
Seventeen pounds in 24 days.
Hindi ka nagwo-workout?
Hindi. Badminton lang in Gensan.
Nagpa-breast augmentation ka din ba?
No. Sa mukha, nagpa-filler ako. ?Di ba kapag payat ka masyado, kailangan mo ng konting taba sa face? At saka facial.
Your nose?
Oo, original ito! (Laughter) Gusto mong hilahin? (Laughter) Sabi nga nila nagpapagawa ako ng ilong. Hindi, ganito talaga.
Ilang taon ka na?
Thirty, pareho kami ni Manny. Ten years na kami married.
Where is the pressure coming from, sa appearance ba, sa ibang girls?
Kasama na rin iyon. (Laughter) Dati nasa bahay lang ako, hindi naman nagpapa-derma.
Pero sa iyo nanggaling yung motivation, hindi sa ibang tao na nagsasabing magpaganda ka?
Sa akin. Mahilig na talaga ako sa damit, sa makeup. Noong high school hanggang college, sumasali ako sa mga beauty pageant. Ako ang representative ng school namin.
Sinasabihan ka ba ni Manny na magpapayat ka?
Hindi naman. Sinasabi naman niya na okay lang na chubby. (Laughter) Para siguro hindi ako sumexy, sabi niya sa bahay ka lang, okay lang iyan. Pero kapag nakakita sila ng sexy, ina-admire nila, ina-appreciate nila. (Laughter)
Ano pang pinagawa mo kay Belo?
SmartLipo. After ng pangatlo ko, kay Princess, nagpa-lipo ako.
Aling parts?
Arms, back, upper and lower sa tiyan. Kasi kapag nagpatanggal ka ng fats sa arms, kailangan rin yung back mo dito sa gilid. Para pantay lahat. Kasi lumalabas dito. Yung sa tiyan talaga, pusunin ako e, kailangang tanggalin.
Anong say ni Manny, okay lang sa kanya?
Nalalaman lang niya kapag tapos na. Tinatawagan niya yung bodyguard ko. Noong hindi niya ma-contact, yung mga kasama ko tinatawagan niya. Nalalaman niya laging tapos na. (Laughter)
Hindi siya nagagalit?
Noong una nagalit siya sa akin. Baka natatakot siya kasi delikado. At saka baka raw kasi may magpaparamdam, alam mo naman mga lalaki. Alam ko naman kasalanan iyan sa Diyos at saka may asawa na ako at mga anak.
Hindi ka na nagkaka-crush?
Meron din, pero hanggang doon na lang iyon, hanggang tingin na lang.
May mga naga-approach ba na nanghihingi ng number mo?
Oo, meron. Sa Facebook madami. (Laughter) Tapos may mga sulat doon silang nilalagay: ?Alam ko si Manny, womanizer. You deserve someone better.? (Laughter)
Selosa ka ba?
Medyo. Hindi naman sobrang selos. Dati hindi naman ako sanay na show biz si Manny. Gusto ko boxing lang. Parang nanibago ako noong may leading lady na. Tapos mag-shoot pa sila hanggang madaling araw.
Kapag ganoon sumasama ka?
Dati sumasama ako every day. Ngayon hindi na. Useless lang din. Kung binabantayan ko siya, ako lang din binabantayan niya.
Si Manny, seloso ba?
Seloso pero hindi na masyado kapag maraming tao. Kapag nasa bahay lang kami, sinasabihan niya ako, ?Ikaw ha, binigay yata yung number mo kanina.? (Laughter)
Wala namang nabuntal?
Wala naman. (Laughter)
Sinong celebrity crush mo?
Sam Milby. Gerald Anderson, taga Gensan din iyon.
Meron bang movie offers?
Meron naman. Nag-usap na kami ni Manny, ayaw niya e.
Pero ikaw gusto mo?
Okay lang, pero sa ngayon gusto ko endorsements na lang. Kasi may mga anak ako, apat sila. Yung time na para sa kanila, ayokong mapunta sa iba.
Kumusta naman ang relasyon ninyo ni Mommy Dionisia, okay naman kayo?
Okay naman. Lagi na lang tinatanong yan. (Laughter)
Anong mga common interests ninyo? Nagba-ballroom ka rin ba?
Hindi. Siguro sa pamilya, kailangang tutukan yung pamilya. Gusto niya yung mga anak niya, okay. Kapag si Manny, madaling araw nang umuwi [sila], nagagalit siya.
Hanggang ngayon?
Oo.
Ang parents ni Manny kumusta?
Hanggang ngayon, hindi sila nagpapansinan. Mabait naman tatay niya, tahimik lang.
Tinutulungan pa ni Manny ang pamilya niya? Okay lang sa iyo?
Oo, tanggap ko naman. Mas gusto ko na sa pamilya niya kaysa sa ibang tao na bago pa lang niya nakikilala tapos binibigyan niya ng pera. Ang family, nandiyan na talaga.
Istrikto ka ba o spoiler sa mga bata?
Medyo istrikto. Kapag may school, dapat natutulog nang maaga. Hindi dapat puro laro.
Spoiled ba sa iyo mga kids?
Medyo. Kapag may gusto sila, ibibigay ko talaga.
Sinong mas disciplinarian sa inyo ni Manny?
Ako, kasi ako ang mas madalas kasama. Araw-araw, hinahatid ko sa school, malapit lang naman. Pwede ngang lakarin mula sa bahay. Tapos sinusundo. Pero kapag may appointment ako, yung yaya na lang.
Tumutulong kang gumawa ng homework?
Minsan.
Hindi ba mas mahirap ngayon since kilala na kayo ng mga bata, hindi ba kayo mino-mob?
Noong una, medyo mahirap. Picture, autograph, gusto kaming makasama. Lalo na kapag nandiyan si Manny. Ang daming nakabuntot, nakabuntot talaga. (Laughter) Parang walang privacy.
Hindi ka ba natatakot na ma-kidnap?
Hindi naman ako nag-iisip ng ganoon.
Madasalin ka ba?
Aaminin ko, mas religious si Manny sa akin kasi siya, kapag natutulog, kapag kumakain, hindi talaga niya nakakalimutan. Ako nakakalimutan ko. Pero nagsisimba ako siyempre.
Ganoon talaga siya maski hindi pa siya sikat?
Ganoon na siya. Ganoon siya namulat. Iyon ang itinuro ng nanay nila, na mag-rosary. Kahit madaling araw ginigising daw sila para mag-rosary. Iyon talaga kinalakihan nila.
Papayagan mo ba yung dalawang anak mo na maging boxer din?
Ay, talagang hindi, mamamatay talaga ako siguro. Aawayin nga lang sila sa school, Diyos ko, hindi pwede. Kung sino yung nang-away, kung kasama yung nanay na nang-away, aawayin ko rin. Basta ayoko. (Laughter) Ang hirap kasi ng boxing. Wala kaming gamit sa bahay, ni walang gloves.
Ilang taon na mga kids mo?
Eight, seven, mag-three na si Princess then seven months old. Ang panganay ko gustong maging singer sa banda. Kasi marunong din ako kumanta, siguro namana. Yung isa naman, mahilig mag-drawing. Si Princess siguro mag-aartista yun. Ipapasok ko na nga sa ?Going Bulilit.? Mahilig siya sa camera, mahilig magpa-picture, hindi mahiyain.
Anong sports nila?
Sa school, soccer, basketball.
Nanonood ka ba ng laban ni Manny?
Mag-boyfriend-girlfriend pa lang kami, nanonood na ako.
Kaya mo?
Kaya siyempre, pero natatakot rin ako, nininerbyos. Ngayon, sanay na ako. Maski sparring lang, nanonood ako, nakikita kong nasusugatan.
Kumusta ang performance ng mga bata sa school?
Okay naman.
Wala naman silang conflict sa ibang mga bata?
Wala naman. Mabait naman yung mga anak ko. (Laughter) Yung pangalawa kong lalaki, medyo matapang siya. May ginawa siya sa school na pinakialaman ng classmate niya. Tinusok niya ng gunting sa kamay. Na-ospital yung bata, ako ang nagbayad sa ospital. Kasi pinakialaman daw yung work niya.
Anong sinabi mo sa parent?
Pinagalitan ko yung anak ko, hindi na lang ako nagpakita sa school. Yung yaya na lang ang sumama sa nanay at sa anak. Kasi nahiya ako.
Anong nagustuhan mo kay Manny?
Tahimik, hindi mayabang, kapag kinakausap mo nakaganoon lang (lowers head). (Laughter) Gusto ko yung mga ganoon.
Saan kayo nagkakilala?
Sa Gensan kung saan ako nagwo-work. Nag-work ako sa mall sa Gensan na consultant for Ponds? skincare. Doon kami nag-meet sa stall ko na mismo. Dumaan lang sila kasama yung uncle ko na trainer niya before. Sabi niya, ?Dito pala nagwo-work yung pamangkin ko.? Pinakilala kaming dalawa. Bumili pa nga siya ng gift para sa girlfriend niya yata noong time na yun. (Laughter) Binentahan ko siya ng Ponds? facial wash tapos bumili naman. Tapos kinabukasan, nagpadala na ng card.
Gaano ka katagal niligawan?
Three months. Tapos after seven months, nagpakasal na kami.
Hindi mo na natapos ang college mo?
One year management, one year computer programming.
You go for Belo for skincare?
Oo, buong katawan.
Anong favorite mong brand ng makeup?
Rmk, Mac, Chanel.
Perfume?
Jo Malone, Burberry.
Anong madalas mong binibili kapag nagsho-shopping?
Damit. Kahit anong brand. Sa US, Bebe, BCBG.
Yung mga bags mo?
Chanel ang pinakapaborito ko. Hindi sa damit, sobrang mahal e.
May budget ka ba?
May budget naman. Kasi may mga anak ako, kailangang isipin ang future nila. Ang gamit, kahit na mura, depende naman sa pagsuot mo or sa pagdala.
May designer ka na pinupuntahan dito?
Wala. Binibili ko lang.
Hindi ka binabawalan ni Manny na magsuot ng sexy?
Minsan lang kapag sobrang sexy na. Kapag kita yung cleavage or likod, sabi niya ?Maghubad ka na lang.? (Laughter) Tinatawanan ko lang naman.
Ilan na ang boutique mo?
Isa pa lang, Jinkee?s Fashion World sa Gensan.
Saan ka bumili ng Hermes?
May kaibigan ako sa States, bumili sa store, tapos pinadala na lang sa akin.
Madaming nanghihingi. How do you feel about that?
Minsan maiinis ka. Minsan pabalik-balik. Minsan nakita mo na, bukas nandiyan na naman. Sa bahay minsan ayokong maraming bisita. Sinasabihan ko yung guard na huwag muna magpapasok. Sila tinatawagan ko na, ?Bakit may tao akong nakikita sa monitor?? Minsan, marami na sa lanai.
Araw-araw may nanghihingi?
Araw-araw. Minsan may nag-aalok ng lupa.
Si Manny hindi marunong humindi. Pinapagalitan mo?
Pinapagalitan ko, pero puro na lang oo.
Marami na kayong investments?
Time deposit, at saka may building kami sa Gensan. Dito sa Manila, condo, bahay. Ang bahay namin tatlo. Sa BF, sa Valle Verde at saka sa Laguna.
Ano yung buhay ninyo 10 years ago?
Super mahirap, na masaya din na may malungkot. Noong nagpakasal kami, tumigil na ako magtrabaho. Noong una, tumira kami sa bahay kasama yung nanay at mga kapatid, kaming lahat. So noong nanganak na ako, ganoon pa rin. Hindi nga kami nakakabili ng crib para sa bata, duyan lang. Yung panganay ko, ako talaga nagbantay.
It wasn?t an instant success.
Ay hindi. Nag-try ako mangutang sa mga ninang para sa pocket money ni Manny. Nagsangla ako ng title. At saka dati, ako namamalengke. Lahat ginagawa ko, naglilinis ng kwarto, minsan naglalaba kaming dalawa. Kasi mahirap din naman. Marami siyang binibigyan tulad ng mga kapatid niya. Kaya nagalit yung nanay niya noong nagpakasal kami agad. Kasi baka hindi na raw sila matulungan kasi nag-asawa na.
Nakabayad ka na ng utang? (Laughter)
Bayad na bayad na. (Laughter)
Sino ang nagde-decide kung saan magi-invest?
Ako siyempre. Minsan kasi siya, kapag may pera, ang daming iniisip. Sabi ko ako na lang magsu-suggest na dapat ganito. Pero ngayon, businessman na siya. Madami siyang negosyo.
Siya ba yung tipo ng asawa na kapag kumita iniintrega sa asawa?
Hindi lahat. Siyempre gusto ko naman may pera siya. Kailangan meron sa mga bata. Yung natira lang sa amin.
May trust fund yung mga bata?
Meron.
Okay lang na nagsasabong siya, nagca-casino?
Hindi ko naman napipigilan. Minsan may nga barkada, ?Halika, punta tayo doon.? Hindi ko alam na nagsabong pala. Nalalaman ko na lang natalo na.
Hindi mo mali-limit yung panggastos niya sa sarili niya?
Hindi. Siya pa rin ang may control. Yun nga ang mahirap sa maraming pera. Hindi ba kapag nag-uumpisa kayo maliit pa lang, o ito kailangan dito, ito kailangan i-save mo, ganyan. Pero kapag may pera na wala na....
Malaki ang kita, pero malaki rin ang gastos?
Malaki rin ang gastos!
Ano ang pinakamalaking talo ni Manny?
(Laughter) Hindi ko pwedeng sabihin. Siyempre kapag sugal, mas malaki yung talo kaysa panalo. Nabibilang yung panalo, pero yung talo hindi. Pero ngayon, iniisip na niya na apat na anak namin at hindi na pwede ito. Sinasabihan ko siya.
Anong bisyo mo?
Jewelry, kasi investment din iyan.
Bumibili ka ba ng branded like Cartier, Bulgari or private?
Bumibili sa mismong store. Kapag wala naman, hindi naman ako bumibili kapag sobra na sa gastos. Kapag may budget lang. Kapag bumibili ako ng diamond, kailangan may certificate para malaki ang value.
Ito namang watch ko, binigay niya noong birthday ko. Rolex. Peace offering niya yata.
Anong ginawa niyang mali?
Noong movie na ?Anak ng Kumander,? magulo kami, laging nag-aaway. Kasi lagi na siyang late umuuwi. Walang tawag. Kapag tinatawagan mo laging naka-off ang phone. Puro away kami noon. Mga 2007 iyon.
Ang papasukin ni Manny ngayon ay isang malaking sugal, which is politics. Hindi ka ba natatakot?
Natatakot ako na (knocks on wood) baka matalo siya ulit. Na-stress siya lagi noon. Minsan kasi, kapag kakausapin mo siya tapos madami siyang iniisip, parang tulala lang siya (demonstrates to laughter). Parang hindi siya makakatulong kung matalo siya.
Anong tatakbuhan niya ngayon?
Congressman sa Saranggani.
Paano yung career niya as a boxer?
This year kasi, last na yung fight niya. Ayaw na niya. Siya rin ang nagdesisyon na ayaw na niya.
Totoo ba yung rumor na may Parkinson?s disease na raw si Manny?
No, wala.
Natatakot ka ba na since wala na ang boxing, paano na ang future ninyo? At peace ka na ba?
Stable na kami, at peace na ako. Kaysa naman may mangyari pa sa kanya. Meron na para sa mga anak.
Sino ang pinakapinagselosan mo?
Nagseselos naman ako kapag nakikita kong sweet sila. Ayoko ng ganoon at saka ayokong makita ng mga anak ko na ganoon. Kaya nga sabi ko sa kanya ayoko muna mag-show biz.
Wala kang caught in the act?
Text lang.
Tapos tumigil na?
Meron pa nga, umiyak sa TV. Tinuruan lang ako paano magmura, may nagturo sa akin. Sabi ganito i-text mo, tapos binigay yung number. Sabi ko try ko nga... Meron din akong isang pinuntahan, pero nakahalata yata e. Nawala, lumayas na. Natakot siya.
You think ganoon dapat ang ginagawa ng babae?
Oo, dapat ipaglaban mo talaga ang karapatan mo as a wife.
Paano mo ipaglalaban ang asawa mo? Anong payo mo sa ibang mga babae?
Ipaglaban mo hangga?t kaya mong ipaglaban. Sabihin mo sa mga babae na ako ang asawa. Ipamukha sa kanila na may asawa na iyang lalaki na iyan. Pwede ba, tapos ngayon lalapitan mo kasi sikat siya, may pera siya. Ngayon lang iyan.
Kasama ba sa paglaban mo iyang pagpapa-sexyi mo?
Kasama na. (Laughter) Kailangan kapag nakita ka, ?Ay maganda pala si Jinkee.? Dapat sila ma-insecure sa akin, hindi ako. Kung lalapit sila, oy, distansya muna.
Sinabi mo na ba kay Manny na ?Kung kaya mong mambabae, kaya ko ring manlalaki??
Madaming beses na. (Laughter) Parang tinatakot ko lang, pero hindi mo naman gagawin. ?Kapag naging single ako, pipila iyang mga iyan. Hanggang doon pa iyang pila, madami.? Pero joke lang naman iyon. Para lang maisip niya.
Ano ang pwedeng gawin ni Manny na iiwanan mo siya?
Mambabae. Okay naman kami kasi, huwag naman pala na may mina-maintain, may binabahay, may binibigyan ng pera....
So okay lang yung mga date?
Hindi rin pwede! (Laughter)
Hahampasin mo ng Chanel bag mo? (Laughter)
Ihahampas ko sa mukha ng babae! (Laughter) Okay lang kung hindi ko sila nakikita, pero kapag nakita ko, naku, humanda kayo. Pero hindi ko naman naiisip na may mahuhuli ako.
Do you check his phone?
Minsan, kapag nagkataon na wala siya. (Laughter)
Kapag nakikita mo yung mga babaeng na-link or nali-link kay Manny, anong ginagawa mo?
Hindi ko na lang pinapansin, useless lang. Papangit ka lang kapag iisipin mo.
May coming sitcom si Manny, di ba?
Kasama niya si Marian. Magkaibigan naman kami ni Marian; wala naman akong iniisip na masama. Si Rufa Mae din.
Kaibiganin mo na lang lahat sila.
Oo, kaibiganin muna. Para mabilis mahuli kung meron man. (Laughter)
Hindi mo pinipisikal si Manny? (Laughter)
Minsan, kapag galit na galit ako. Pero kapag galit ako, talagang tahimik lang siya. Mapapaawa ka talaga e. (Laughter) Kahit galit na galit ka na, parang, ?kawawa naman ito.?
Ano ang pinaka-endearing na quality ni Manny as a person, as a husband?
Malambing. Kahit sa maraming tao. Kaya nga nami-misinterpret siya ng mga ibang babae siguro. Friendly, mahawak.
Ang pinakaiinis mo?
Nagfli-flirt din siya maski nandiyan ako. Yung parang wala siyang pakialam na nandiyan ako. Nasisira yung araw ko. Minsan sinasabihan ko siyang, ?Behave ka, kasi nandito ako.? (Laughter) ?Behave ka diyan.?
After ba ng fight ni Manny, active ang sex life ninyo? (Laughter)
Mas gigil sya after the fight (laughter), kasi nagpahinga siya ng two months. Kasi kapag training, hindi niya hinahanap kasi ang katawan niya pagod, laging matamlay.
Sa two months na training walang family na kasama?
Two months siya nag-training, minsan pinapapunta niya ako, kapag, halimbawa, mga one month before the fight. Kapag nami-miss niya kami, ako. Binibisita ko for one week tapos balik na ulit.
Wala ang mga kids?
Sa phone lang tinatawagan.
Sabi mo after the fight mas gigil?
Nagkakaanak nga kami usually after a fight. Mas aggressive sila after the fight. (Laughter)
Kapag retired na baka wala na ang sex life.
Hindi naman siguro. (Laughter)
Ano pang gugustuhin mo sa stage ng life ninyo ngayon ni Manny?
Gusto ko yung lagi kaming magkasama. Quality time kasama ang family, kasi ngayon lagi siyang busy. Yung may oras para sa mga anak niya.
Ngayon, Saturday to Sunday lang kami nagkakasama. Minsan, Sunday na lang. Nagsisimba kami, kumakain sa labas. Hindi na siya umaalis. Maaga kami matulog.
Ang mga bata minsan lang sila magiging bata, hahanap-hanapin nila iyon. Gusto ko ma-feel nila ang love and care ng parents, lalong-lalo na sa tatay.