Quantcast
Article Index |Advertise | Mobile | RSS | Wireless | Newsletter | Archive | Corrections | Syndication | Contact us | About Us| Services
 
Mon, Sep 01, 2014 07:13 PM Philippines      25C to 33C
  HOME       NEWS     SPORTS     SHOWBIZ AND STYLE      TECHNOLOGY     BUSINESS     OPINION      GLOBAL NATION    SERVICES
 
  Breaking News :    
Advertisement
Inquirer Mobile
Geo Estate

INQUIRER ALERT
Get the free INQUIRER newsletter
Enter your email address:




 
Sunday Inquirer Magazine
You are here: Home > Showbiz & Style > Sunday Inquirer Magazine

  ARTICLE SERVICES      
     Reprint this article     Print this article  
    Send Feedback  
    Post a comment   Share  

  RELATED STORIES  





imns


TAKE FIVE
A serious conversation with Willie

By Marinel Cruz, the Inquirer Entertainment Staff
Philippine Daily Inquirer
First Posted 23:33:00 02/02/2008

Filed Under: Television, Entertainment (general)

MANILA, Philippines - Although ?Wowowee? host Willie Revillame is regarded as one of the funniest men in local show biz today, there was little laughter during this two-hour interview.

Willie?s visit to the Inquirer offices in Makati City last week turned out to be a serious discussion of ... many things. Very serious.

?Pain comes with being famous,? the TV host said during the no-holds-barred exchange. ?It?s so hard to be on top. Sobrang lungkot.?

Willie also expressed his feelings about his failed marriages and his reputation as a controversy magnet, and about ?Wowowee,? the show that has attracted a fanatic following.

?Wowowee?s? format is very Pinoy. How was it put together?
Let?s start from MTB (?Magandang Tanghali Bayan?). Randy Santiago, John Estrada and Willie trio ?yon, [pero] aksidente lang ?yung pagpunta ko do?n. I was promoting my first starrer movie, ?Boy Tigas? on ??Sang Linggo nAPO Sila.? Humingi ako ng tulong kay Randy. Nagustuhan ng ABS ang kapilyuhan naming tatlo nina Randy at John. Para [daw] Tito, Vic and Joey.

Nagge-guest din ako dati sa show ni Jullie Yap-Daza. Nagre-rate [daw] ?yung kalokohan ko?pilyo, gano?n. You know television is [about] ratings. So, nun?g kinausap na ako for MTB, pinaalam ko sa ?Eat Bulaga!? na magkakaroon kami ng show katapat ng sa kanila. Joey (De Leon) and Vic (Sotto), we used to play golf. I did that out of respect for them. Wala si Joey and Vic when I went to see them. I told Malou Choa-Fagar (TAPE Inc. executive, producer of ?Eat? Bulaga!?). Sabi ko, ?Okey lang ba sa inyo?? Kasi nu?ng wala akong show, nakakasama ko rin sila.

Binigyan ako ng movie ni Joey, ?yung ?Barbie,? sidekick niya ako. Si Vic, ?yung ?Sam and Miguel,? sila ni Joey du?n, kinuha rin ako.

So, sa MTB nagsimula ang ?Pera O Bayong? (a game of chance where a contestant could win a house and lot or P1 million.)

[After a while] naisip ko parang redundant?pagdating ng P5,000, hinihingi na ng contestant ?yung pera, ayaw na ng bayong. Sabi ko bakit ?di natin lagyan ng halaga ?yung bayong? Pero ?yung [model] ng ?Pera o Bayong? is Tito Pepe (Pimentel?s) ?Kwarta o Kahon.? Nu?ng nagkaroon ng ?Pera o Bayong,? nagkaroon naman ang ?Eat? Bulaga!? ng ?Laban o Bawi.?

Because of being naughty at some point, na-suspend ako, at nawala ng two years.

Every time naman nagge-guest ako sa Channel 7, maganda ang feedback and ratings, especially nu?ng nag-guest ako sa ?Extra Challenge.? I think it was one of the highest ratings at the time.

You were said to be transferring to GMA 7. What happened?
Inutusan ako ni Vice President (Noli de Castro) pumunta sa Japan para kausapin ang mga OFW na nagtatago?parang spokesperson niya. Pumunta ako sa mga club do?n. In-explain ko yung concern ng Philippine government dahil huhulihin na sila. Ang sabi naman nila, ?Ano?ng pakakain ni?yo sa amin?? Gano?n, mga pang-presidenteng tanong. Sabi ko, nautusan lang ako kasi, pag nahuli sila, ikukulong sila, ide-deport at kakasuhan pa.? Nagpapaliwanag ako sa mga matatandang seamen, kusinero ... doon kasi, marami silang nagagawa, kumikita sila ng yen, at dollars.

Was it really a good life for them?
Ganu?n pala kahirap ang buhay ng mga kababayan natin do?n. May nakausap akong mga babae sa clubs. Umuuwi sila, umaga na. Para talagang mga alipin sila ng pera. Minsan nga, may isang babaeng umiyak sa akin. Nakapag-asawa siya ng Hapon na binubugbog siya. Gusto na niyang umuwi, kaya lang tatlo ang anak nila. Wala siyang magawa, parang alila siya.

Did you convince any of them to come home?
?Di ko alam. Pera ang problema e. Pag-uwi ko sa Pilipinas, I got a call from Direk Bobot-Edgar Mortiz. Sabi n?ya: ?Hinahanap ka ni Charo (Santos-Concio). Babalik ka na sa ABS.?

Pagdating ko, may isang room do?n, kaming dalawa lang ni Ma?am Charo. Hindi kami nagkausap nu?ng na-terminate ako. Masama pala ang loob niya sa akin. Lagi daw kasi akong dumidiretso kay FMG (Federico M. Garcia), ang president. Nakatingin lang si Ma?am Charo sa akin, naiyak ako. Tapos, sabi niya, ?Ako?ng nanay mo dito. Hindi ka nakipag-usap sa akin. Binalewala mo ako. Ang daming pasakit na inabot namin sa iyo.? Tapos, umiyak din siya. Alam nyo, ?yung mommy ni Ma?am Charo, paborito ako. Hindi alam ni Ma?am Charo dinadalaw ko ?yun kahit wala na ako sa ABS. Sabi niya minsan, ?Hijo, nami-miss kita sa TV.? Hanggang namatay ?yun, dinalaw ko, hindi rin nila alam. Kasi, ayaw ko magpakita sa kanila. Galit sa akin lahat eh. Ako?ng pinakabastos na[talent]. So, nag-sorry ako. Sabi niya, ?Ano ang pinanghahawakan ko na pwede na kitang ipagmalaki?? Sabi ko, ?I have learned my lesson.? Sabi niya, ?Ano ang plano mo? Ikaw na ang mag-desisyon. Noontime ba o prime time? Sino ang gusto mong kasama? Sino ang gusto mong director??

Nu?ng time ng MTB, matapang ako sa staff. Istrikto ako sa time, until now. Basta pagdating sa trabaho, I don?t care kung masaktan ka sa sinasabi ko. Basta nandito ako ng 9 a.m., nandito ka rin. Kung mahal mo ang pamilya mo, dapat mas mahal mo ang trabaho mo. Ito ang nagbibigay ng magandang buhay sa pamilya mo. Saka hindi naman nale-late ?yung suweldo ng ABS. So until now, ang staff ko, pagdating ko ng 9 a.m., andyan na lahat. Ine-explain ko sa kanila, what happened sa stampede. what happened sa Wilyonaryo. Puro ?yun negligence. Kung maaga tayo, naiisip natin yung mga dapat gawin.?

I told Ma?am Charo, noontime show ang gusto ko. Nagsimula ako as sidekick ni Randy sa ?Lunch Date.? Kaya nga sa Channel 7 ako nag-start.

That?s when you became one of his Hawi Boys?
Wala pang Hawi Boys nu?n. Kaming dalawa lang nun eh. Nagkaroon siya ng Hawi Boys nu?ng sobrang sikat na siya. Drummer ako ni Randy sa Cicada Band. We went to Singapore. Dati rin drummer ako ni Gary Valenciano.

So ?Wowowee? was the result of your meeting with Charo?
Dapat back-to-back kami ni Kris Aquino. Tatanggalin ?yung ?Masayang Tanghali Bayan,? sila Ai-Ai (delas Alas), Edu (Manzano). Confidential syempre ?yun at the time. Initially, ang concept, the usual host lang ako. Sabi ko, gusto ko involved ang tao, gusto ko, show ng tao. Nakita ko sa mga game shows sa Japan, gano?n.

?Yung ?Game Ka Na Ba?? sa Japan nakuha ?yun?pumapalakpak ang mga tao [throughout the show]. Gusto ko, game show na bida ang tao. Sabi ko, ?yung ?Eat? Bulaga!? ang bida ay ang mga hosts. Gusto ko ?yung may pagka-Oprah?heartwarming, kakausapin ang mga tao na hindi laging napapansin. Gusto kong marinig ?yung buhay nila everyday. Tapos, ?yung games, pang-masa. Hindi mahirap? oo o hindi lang, kulay lang ang pipiliin. Marami rin namang input ?yung creative team, hindi sa akin lahat ang [ideas].

Did you talk with ?Eat Bulaga? a second time?
Hindi na. Galit na si Joey nu?n eh.

You were ready when you were asked who you wanted to work with?
?Yung pinagkakatiwalaan kong mga tao at alam kong mahal yung show.

How did you come up with the title?
Ang naka-isip ng ?Wowowee,? si Kris Aquino.
?Yung ?Willie of Fortune,? galing sa ?Wheel of Fortune.?

And the theme song?
Pinagawa ko kay Lito Camo. Lahat ng bagay sa show, gusto ko alam ko. Kasi, ayaw ko na uling magkamali.

Bakit nagkakamali pa rin kayo [sa ?Willie of Fortune?]?
Negligence nga kasi eh. Kahit nga mga perfectionist, magkakamali pa rin. Dapat alert ka lagi.

Pag naggege-guest ako kay Korina (Sanchez) nakikita ko, disiplinado ang mga tao n?ya. Pati nga ?yung mga guest niya mga disiplinado rin. Halimbawa, si Pilar Pilapil, Amalia Fuentes. Binubusisi pati ilaw, ang monitor. Ganu?n katindi yung mga artista dati. Maingat. ?Yun ang dapat. Career mo ?to eh. Pag di ka nag-rate, ikaw ang sisisihin.

Ako pinag-aaralan ko lahat. Alam ko kung bakit si FPJ mahal ng tao. Kasi inaakap niya ?yung mga taxi driver, ?yung magtataho. Si Dolphy, tahimik lang pero matulungin. Humble. Bakit Tito, Vic and Joey, nagtagal? Kasi, witty eh.

So you try to be all that?
Kino-combine. ?Yung kay FPJ, hindi mawala-wala sa isip ko ?yun. Dati, drummer ako. Ninong ko siya sa kasal namin ni Princess. Dinalaw niya ako dati sa bar. Nu?ng palabas na kami, lahat ng taxi driver, inakap niya at binigyan ng pera. Natatak sa isip ko ?yun. Si Vic Sotto bakit gusto ng tao? Kasi, hindi naninira ng kapwa, kaya respetado. In fairness naman kay Joey, ganu?n lang siya. Pero pag nagkikita kami sa labas, tatawagin n?ya ako, ?Revillame!? Ganu?n lang yung style niya sa TV, alaskador lang.

So when you delivered on TV your highly emotional piece against Joey, where were you coming from?
Medyo sensitive kasi ?yun eh. Alam n?yo, hindi na ako haharap sa TV kung mandadaya lang ako.

Are there things you?d like to improve in ?Wowowee??
Sa ngayon, okey naman ?yung show. Dagdagan lang siguro ang prizes. Maganda ?yung ?Pera o Bayong? ngayon. ?Yung ?Big Time Bayong,? all-in-one. May P1 million sa bangko, may house and lot, may sasakyan pa.

May malalim na criticism diyan. Ang mga tao raw, ayaw nang magtrabaho, sumasali na lang sa game shows.

Kung walang game show, may trabaho bang mabibigay sa mga tao? Nasa tao ?yan kung gustong magtrabaho o hindi. Yung mga vendors, nagtatrabaho ?yan, pero pinapaalis ng gobyerno ?di ba? Kung ikaw ba ay isang basurero, habang buhay ka na lang bang basurero? Kung manalo ka ng isang milyon, may tsansa ka. Kung manalo ka ng house and lot? ?Yung mga pangarap na suntok sa buwan, puede maging totoo. Kung ?yun ang [argumento], di sana tanggalin na lang lahat ng casino?

You seemed very prepared for that question. Is that asked a lot?
I am prepared for any question. Wala naman akong tinatago eh. ?Yung mga nagki-criticize, bakit hindi sila mag-produce ng isang game show? Nu?ng bago pa lang ang ?Wowowee,? ako mismo ang lumalapit sa mga donors, usually Chinese. ?Tulungan nyo po ?yung show ko,? sabi ko. ?Pwede po ba kayo magbigay ng sampung jeep??

How much money do you give away everyday?
Sa ?Pera o Bayong,? malaki. Kung hindi P80,000, P100,000. I think mga P500,000 to P600,000 a week, kung hindi makuha ang P1 million.
Ang audience namin na nagbibigay ng pera, hindi binabayaran. ?Yung tours, nagbabayad para lang makapanood.

Kinuha nga akong celebrity envoy ni [Tourism] Secretary Ace Durano. Kasi, lahat ng umuuwi, ang request, dumaan sa ?Wowowee??lalo na ?yung may mga kamag-anak na 30 years na hindi nakikita. Buong mundo kasi, nanonood (via the network?s The Filipino Channel). Three times a day pinapalabas sa ibang bansa, lalo na sa America.

And every time we take the show out of the country, sobrang packed. May mga naka-wheelchair, special children... Pagkatapos ng show, paglabas ko sa kuwarto ko, nakapila ang mga naka-wheelchair. Magpapa-picture lang. Umiiyak ako pag nagpi-pictorial.

Marami kang kwento na naiiyak ka.

Iyakin ako. Kasi nga, for example, nasa Thomas & Mack Center (in Las Vegas) kami, ang capacity nu?n 18,000; ang dumating almost 17,000. I was overwhelmed.

All Pinoy?
May mga asawa na foreigners, siyempre. Pero bago mag-show, nag-text sa akin yung yaya ko na nasa Pilipinas: ?Lumabas na po kay Ogie Diaz ?yung hiwalay na kayo at binugbog nyo raw si Ma?am (Liz Almoro).? Parang babagsak ako no?on, ayoko nang lumabas. Pumasok sa kwarto ko sina Ma?am Charo, Atty. Michael Gurfinkel?umiiyak ako, sabi nila, ?You have to go out, Willie.? Sumisigaw yung mga tao, ?Willie! Willie!?

So, lumabas ako. Dumadaan ako sa hallway, may mga poster?Mariah Carey, 13,000; Justine Timberlake, 15,000; tapos, ?yung sa ?Wowowee,? 17,000! ?Di ba nakakaiyak?

Iyak ka rin nang iyak after the Ultra stampede.
Lahat ng 71 na namatay, pinuntahan ko. May isang lalaki, nung nakita ako sa morge, sabi sa akin, ?P------- mo Willie!? Sinugod ako, tapos biglang napaluhod, niyakap ako. ?P------- mo. Mahal na mahal ka ng nanay ko. Wala na siya.? Humihingi ako ng tawad, isa-isa, sa mga patay, sa mga pamilya nila. ?Yun lang ang masasabing bakasyon ko sa ?Wowowee.? Eto pa, sa isang lamay sa squatter sa bandang Navotas, pagdating ko, punong-puno ng tao. Sabi sa akin nu?ng anak, ?Yung nanay ko, Willie, nagpa-manicure pa para ?pag hinawakan mo siya maganda ang kamay niya. Labandera kasi ang nanay ko.?

At lahat ng patay na ?yun, ang request ng mga pamilya, pictorial. ?Nanay, ayan na si Willie!?

You said you wanted to quit after that incident.
Ayaw ko na talaga. Umiiyak ako kay Ma?am Charo. Everyday, tine-text niya ako, ?Kumusta ka na? Mahal ka namin. Maraming nagmamahal sa?yo, Willie.?
Pinatawag niya ako. Sabi niya, ?Mag-lunch tayo bago ka mag-desisyon.? Pagdating ko, nandoon si boss Gabby, lahat ng management. Sabi ni boss Gabby, ??Wag mo kaming iwanan.? Tapos naglabas si Ma?am Charo ng napakaraming e-mail from the fans. Sabi niya, ?Iiwan mo ba ito??

How do you handle fame?
Hindi ko naman narararamdaman na famous ako eh. Bahay-studio lang ako eh.
I believe, instrument lang ako para magpasaya ng tao. Ang nanay ko, serbidora lang dati, waitress. Ang father ko, engineer, walo ang anak sa iba?t-ibang babae. Sa nanay ko, anim kami, iba?t-ibang tatay. Illegitimate ako. Lumaki ako nag-iisa. Hindi ako na-involve sa drugs. I don?t drink. I don?t smoke. Ang tingin ko, ang Diyos talaga ang naging magulang ko.

Who taught you how to play the drums?
Hilig ko lang, walang nagturo. Kasi natira ako sa asawa ng tatay ko, natira ako sa asawa ng nanay ko, sa kabit ng tatay ko, sa nanay ko, sa driver ng tatay ko, sa tiyahin ko, sa lola ko. Ayaw ako ng pamilya ng tatay ko, medyo mayaman ?yungside niya. He just got my mom pregnant. She was 16 when I was born.

Dumami na ba ang kamag-anak mo ngayong sikat ka na?
Dati pa naman, tumutulong na ako sa kamag-anak. Nag-strive lang talaga ako. Tumatambay ako sa mga bar kaya naging drummer. Nagpaturo ako sa mga sikat na drummer.

Like who?
Si Jun Regalado, marami, mga kaibigan ko. Naging boy din ako. Totoo lahat yan. Si Efren Vitan, mga kilala sa mga instrumento, kinakatok ko ang bahay niyan. Sabi ko, lilinisin ko ang studio n?ya makapagpraktis lang ako ng drums. Dumudugo ang mga kamay ko, puro kalyo na ngayon.

Did you go to college?
Hanggang second-year. Gusto ng tatay ko, dentistry pero ?di kaya ng utak ko eh. Wala talaga ako sa academics. Nag-music ako. Hindi rin natapos.

Where?
Centro Escolar University. Tapos, ?yung kapatid ni Maricel, si Bec-Bec, I got her pregnant. Si Meryll nga ang anak namin. Wala kaming pera, bata pa, maghihiwalay talaga. Twenty-one lang ako noon.

How many kids do you have?
Apat. Si Louise Anne, dalaga na rin. Si Marimont, nasa Baguio, almost 6 years old. Tapos si Whammy. Marami akong pains. Pero never ako nagkaroon ng bitterness. Never ako nagkaroon ng hatred sa magulang ko.

What are the main benefits of fame?
Kumikita ka ng pera. ?Yun ang reality. Pero ang pinakamasarap kasi ?yung alam mong mahal ka ng tao. ?Di mabayaran ng pera ?yun. Kahit saan ka pumunta, mayaman, mahirap, niyayakap ka. ?Yung mga sosyal, yung mga Chinese. Si Danding Cojuangco nakita ko sa restaurant. Si Mrs. Gretchen Cojuangco, pinuntahan ako sa table. ?Mag-picture kayo ni Danding!? You know, things like that.

Did you ever think you?d get this big?
Hindi. Ang gusto ko lang maging drummer. Makapag-abroad.

Trade-offs?
Kapalit ng fame, lungkot, emptiness. Pag-uwi ko, walang nagpapatawa sa akin.
Matitindi ang mga pagsubok?stampede, harassment, ?yung ?Wilyonaryo,? tapos ?yung Ferrari. I wanted to buy that Ferrari, gift ko sa sarili ko. Pang-apat na sana akong may-ari nu?n e.

I had to give it up. Bakit nu?ng na-clear ako, hindi nasulat?

Aside from the car, what makes you happy?
Mga investments ko para sa mga anak ko.

All four children?
Yes. Pantay-pantay.

Do you get to spend time with them?
No. ?Yun ang malungkot eh. Ang wish ko nga, sana one Holy Week, makasama sila lahat, gusto kong i-explain, ?Eto ang nangyari sa amin ng nanay mo. Humihingi ako ng tawad. Sana maintindihan mo ako.?

How?s your relationship with your mother?
Okey naman. Meron siya nakukuha sa akin monthly. Meron siyang konting business. Binigyan ko siya ng tatlong tricycle. Patay na ang father ko, matagal na. Engineer siya, pero namatay nang walang kapera-pera. Malungkot. Walang pambili ng barong.

How much longer are you going to do ?Wowowee??
I don?t know. As long as kaya ko at gusto ng tao. Marami pa dapat pasiyahin. Ako lang naman ang nalulungkot.

Have you heard of the talk na malakas ang staying staying power mo because of your manager?
Si Tita Arlene? (de Castro, wife of Vice President Noli) Wala pang ?Wowowee,? wala pang lahat, she was there with me. Nu?ng down ako, she was there. Wala naman kaming nilapitan eh. Kinuha ako ng ABS not because of Tita Arlene, but because of the ratings. Hindi siya nakikialam.

What?s the real score between you and Christine Reyes?
Si Cristine naman, she?s a very nice girl. Kasi simple lang na babae. Tahimik. Hindi siya magarbo. Kasi nagpunta kami ng Guam. Nakita ko ?yung personality niya, tahimik. Sabi ko, ?Enjoy! Have fun. Sama ka sa amin.? Nag-enjoy siya sa company ng grupo ng ?Wowowee.? Niloko-loko ko lang. ?Ako ang boyfriend mo muna ngayon.? Parang ganoon lang. Wala naman siya yatang boyfriend.

Will age be a problem?
Age? Wala ?yan. Kung diyan ka magiging masaya eh. Alangan naman kukuha ako ng ka-edad ko, 47. Ang ibig kong sabihin, siyempre iba ?pag young ang kasama mo.

Someday makakahanap rin ako ng babae na maiintindihan ako sa trabaho ko, walang jealousy, kasi ang buhay ko public service. Dapat mature, ?yung naiintindihan ka at yung dapat magtitiwala lang. Matanda na rin ako. Hinahanap ko rin ??yan, pero hindi ngayon dahil may commitment ako sa ?Wowowee.?



Copyright 2014 Philippine Daily Inquirer. All rights reserved. This material may not be published, broadcast, rewritten or redistributed.


Share

RELATED STORIES:

OTHER STORIES:


  ^ Back to top

© Copyright 2001-2014 INQUIRER.net, An INQUIRER Company

The INQUIRER Network: HOME | NEWS | SPORTS | SHOWBIZ & STYLE | TECHNOLOGY | BUSINESS | OPINION | GLOBAL NATION | Site Map
Services: Advertise | Buy Content | Wireless | Newsletter | Low Graphics | Search / Archive | Article Index | Contact us
The INQUIRER Company: About the Inquirer | User Agreement | Link Policy | Privacy Policy

Advertisement
Inquirer VDO
Property Guide
ABS-CBN TFC
DZIQ 990