Bawal Tumawid Nakamamatay
May patay na pusa na naman
Sa gitna ng kalye;
Iniluwal ng gabi, ng malihim na lunsod.
Nagmamadaling mga tao sa trabaho,
O sa eskwelahan, o sa palengke, o basta lang,
Masid ang pusa ngunit walang pakialam.
At bakit nga naman makikialam?
Walang dahilan.
Kung yong buto't balat na bata sa bangketa,
Galisi't luwa ang mata,
Di alam kung buhay o patay,
Dinaanan lang nila.
O, kay saklap.
Pusa pa kayang di marunong gumamit
Ng overpass.
Bawal ang Tao Rito
Nais kong magpakatao
Bagamat asal-hayop ang naghahari
Sa bayan kong lugami sa kawalan ng puri:
How baboy-the-pig ang mga pulis
Militar ay baboy-damong mabangis
Pulitiko?y tutang duwag
Corrupt na opisyal ay pulgas
Ng reynang tungaw na may nunal
Higanteng linta ang panginoong may-lupa
Negosyante?y matabang baka
Senador ay buwaya, pati mga kongresista
Dagang imburnal ang mga smuggler
Anay ang wangis ng mga illegal logger
Mga usurero?y bayawak na mabaho
Tinderong madaya ay unggoy na tuso
Mangongopyang pirata ay hunyango
Sawang nanglilingkis ang mga rapist
Pusang kalye ang snatcher na peste
Barumbadong driver ay bangaw sa kalye
Siga sa kanto?y asong ulol
Cellphone snatchers ay mga tipaklong
Santong kabayo ang mga relihiyoso
Kambing na isnabero ang mga coño
Social climber ay ibong mababa ang lipad
At marami pa ang hayop na askad
Tulad ng mga walang pakialam
Ay mga ipis ng lipunan
Nais kong magpakatao
Ngunit sila mismo ang nagsasabing
Bawal ang Tao Rito.