Dalawang Salinawit ni Jose F. Lacaba
Walang Kupas
Sa himig ng ?As Time Goes By? ni Herman Hupfield
Alalahanin mo,
Halik na totoo
Ay di nagbabago?
Kapag dalisay at wagas,
Walang kupas.
At sa sinisinta,
Sinasambit tuwina'y
"Iniibig kita."
Kapag tapat ang pagbigkas,
Walang kupas.
Rosas at awit
Na di naluluma,
Lambing at galit
At selos at tuwa,
Isang dibdib,
Dalawang nilikha?
Pag-ibig ay ganyan.
Paulit-ulit lamang
Ang ating kasaysayan
Ngayon at kaylanman.
Walang wakas itong pag-ibig,
Walang kupas.
Nasa Puso Ko'y Ikaw
Sa himig ng ?The Way You Look Tonight? nina Dorothy Fields at Jerome Kern
Kung minsan,
Kung nag-iisa
At namamanglaw,
Ang kayakap ko ay alaala,
Ang nasa puso ko'y ikaw.
Walang kaparis
Ang iyong ngiting
Ubod ng tamis,
Kagandahan mo ang aking ilaw,
Ang nasa puso ko'y ikaw.
Ang init ng iyong halik,
Hindi humuhupa.
Yakap mo na kay higpit,
Lagi sa gunita.
Giliw,
Ipangako mo,
Di ka magbabago.
Nasa diwa ko ang 'yong larawan,
Nasa puso ko'y ikaw.