Quantcast
Article Index |Advertise | Mobile | RSS | Wireless | Newsletter | Archive | Corrections | Syndication | Contact us | About Us| Services
 
Sat, May 26, 2012 01:16 AM Philippines      25°C to 33°C
  HOME       NEWS     SPORTS     SHOWBIZ AND STYLE      TECHNOLOGY     BUSINESS     OPINION      GLOBAL NATION    SERVICES
 
  Breaking News :    
Advertisement
Inquirer Mobile
Geo Estate

INQUIRER ALERT
Get the free INQUIRER newsletter
Enter your email address:

 
Sunday Inquirer Magazine
You are here: Home > Showbiz & Style > Sunday Inquirer Magazine

  ARTICLE SERVICES      
     Reprint this article     Print this article  
    Send Feedback  
    Post a comment   Share  

  RELATED STORIES  




imns


TULA
Sa Pagitan ng Musika


Philippine Daily Inquirer
First Posted 00:14:00 07/12/2009

Filed Under: People, Music, Entertainment (general)

Alay para kay Susan Fernandez
(August 3, 1956-July 2, 2009)

Sa pagitan ng musika
Na napagod sa pagmamahal
At nagupo sa hapdi ng mga sugat,
At ng pusong umaawit
Nakabaon sa dibdib ang hapis


parang pagpasan ng krus sa semana santa,
hinahagod ko ang kumikirot
mong sugat na unti-unti sanang maghilom ngunit
higit na makirot nitong mga huling araw
ng mabangis na bagyo't talim ng kidlat
ng umuungol na mga bulkan
at dumadagundong na lindol
sana ay bumuka ang lupa
at lamunin ang aking pighati.


Sa pagitan ng musika
Na napagod sa pagmamahal
At nagupo sa hapdi ng mga sugat,
At ng pusong umaawit
Nakabaon sa dibdib ang hapis


parang pagpasan ng krus sa semana santa,
Hinahaplos ko ang mga latay
na di makita ng mga matang luhaan
sa ilalim ng aking balat
nakaguhit ang imahen ng nakaratay
sa katawang dumausdos mula
sa nawalang malay,
at di kita mahaplos maging sa kamalayang
Nakikiusap para sa konting pagmamahal


Sa panahon na saklot ng mga berdugong
Naka-patig, nakasukbit ng mga sandata
Nananalanta sa mga bukid at bundok
Nagpapaagos ng dugong pulahan sa pagdanak
At dumilig sa lupaing tigang sa hustisya:
Mga larawan ng mga inang halukipkip
Ang mga anak na humihigop ng
Alat ng instant noodles at sipong di mapahiran.
Sumisikip ang aking dibdib
Sa pagitan ng musika
At pusong nagmamahal
Ikaw ay nagupo sa hapdi ng mga sugat,


Sa panahong mailap ang lahat:
Tangan ng kapalaran ang kinabukasang
Di ko masalat sa hanging kumakaripas
Sa panahon ng tag-ulan at lampas baywang
Na tubig sa mga pamayanan
Tubig at dugong naghalo't nagliliyab
Sa sulo ng pagbabangon
Ng pag-asang kahit sa bagyo'y umuusbong
Sumisikip ang aking dibdib

Sa pagitan ng musika
Na napagod sa pagmamahal
At nagupo sa hapdi ng mga sugat,
At ng pusong umaawit
Nakabaon sa dibdib ang hapis.

Aida F. Santos


Copyright 2012 Philippine Daily Inquirer. All rights reserved. This material may not be published, broadcast, rewritten or redistributed.



Share

RELATED STORIES:

OTHER STORIES:



  ^ Back to top

© Copyright 2001-2012 INQUIRER.net, An INQUIRER Company

The INQUIRER Network: HOME | NEWS | SPORTS | SHOWBIZ & STYLE | TECHNOLOGY | BUSINESS | OPINION | GLOBAL NATION | Site Map
Services: Advertise | Buy Content | Wireless | Newsletter | Low Graphics | Search / Archive | Article Index | Contact us
The INQUIRER Company: About the Inquirer | User Agreement | Link Policy | Privacy Policy

Advertisement
Inquirer VDO
Property Guide
ABS-CBN TFC
DZIQ 990