Quantcast
Article Index |Advertise | Mobile | RSS | Wireless | Newsletter | Archive | Corrections | Syndication | Contact us | About Us| Services
 
Tue, Jul 29, 2014 12:36 PM Philippines      25°C to 33°C
  HOME       NEWS     SPORTS     SHOWBIZ AND STYLE      TECHNOLOGY     BUSINESS     OPINION      GLOBAL NATION    SERVICES
 
  Breaking News :    
Advertisement
Inquirer Mobile
Geo Estate

INQUIRER ALERT
Get the free INQUIRER newsletter
Enter your email address:

 
Sunday Inquirer Magazine
You are here: Home > Showbiz & Style > Sunday Inquirer Magazine

  ARTICLE SERVICES      
     Reprint this article     Print this article  
    Send Feedback  
    Post a comment   Share  

  RELATED STORIES  




imns



Mga Salinawit ni Pete Lacaba


Philippine Daily Inquirer
First Posted 16:32:00 04/10/2010

Filed Under: Poetry

Ayoko Nang Umibig Pa
Sa himig ng ?I?ll Never Fall in Love Again?

Ano?ng mapapala kung iibig ka?
Sakit ng ulo lang ang makukuha,
At palagi pang ubos ang pera.
Ay! Ayoko nang umibig pa...
Ay! Ayoko nang umibig pa!

E ano ngayon kung nakahalik ka?
Kumapit lang sa ?yo ang kanyang baktirya,
Wala siyang paki kung lagnatin ka.
Ay! Ayoko nang umibig pa...
Ay! Ayoko nang umibig pa!

Huwag mo akong paandaran.
Ako?y galing na sa ganyang sistema.
Alam ko na ?yan. ?Yan ay problema,
Hoy, tama na! Huwag kang madrama!

Ano?ng mapapala kung iibig ka?
Pait, pighati, at pagdurusa.
Kaya mula ngayon hanggang umaga
Ay ayoko nang umibig pa...
Ay! Ayoko nang umibig pa!

Nakaliliyo
Sa himig ng ?Love Me Tender?

Ang pag-ibig ko sa ?yo,
Nakaliliyo.
Parang beergincoke ito:
May sipang kabayo.
Pagsinta at pag-irog
Ay lapad, bilog,
Longneck at kuwatro kantos,
Basi?t lambanog.
Lakad ko?y parang lumpo,
Parang turumpo.
Para ?kong nirapido
Ni Fernando Poe.
Pagsinta at pag-irog
Ay lapad, bilog,
Longneck at kuwatro kantos,
Basi?t lambanog.

Tag-araw
Sa himig ng ?Summertime?

Tag-araw,
At ayos lang ang buhay.
May kanin at ulam
Sa hapag-kainan.
Ama?t ina
Sa iyo?y may pamana.
Sanggol, sa iyong duyan,
Tahan na, tahan.
Balang araw,
Aalis ka sa duyan.
Mula sa pugad,
Malaya kang lilipad.
Samantala,
Kami ang mag-aalaga,
Ang nanay at tatay,
Nagbabantay.

Buong-Buo
Sa himig ng ?All of Me?

Buong-buo, ako ay kunin mo.
Walang silbi ang pira-piraso.
Labi ko, kamay, at bisig,
Hindi ko na ngayon magamit.
Nang ako ay iwan mong bigla,
Ang natira ay matang may luha.
Ang puso ko ay nakuha mo,
Kunin mo na ang buong ako.



Copyright 2014 Philippine Daily Inquirer. All rights reserved. This material may not be published, broadcast, rewritten or redistributed.



Share

RELATED STORIES:

OTHER STORIES:



  ^ Back to top

© Copyright 2001-2014 INQUIRER.net, An INQUIRER Company

The INQUIRER Network: HOME | NEWS | SPORTS | SHOWBIZ & STYLE | TECHNOLOGY | BUSINESS | OPINION | GLOBAL NATION | Site Map
Services: Advertise | Buy Content | Wireless | Newsletter | Low Graphics | Search / Archive | Article Index | Contact us
The INQUIRER Company: About the Inquirer | User Agreement | Link Policy | Privacy Policy

Advertisement
Inquirer VDO
Property Guide
ABS-CBN TFC
DZIQ 990